Sino ba ako?
ako ay isang babae na pinanganak noong February 3, 1994...
ibinuo nina Veneracion at Evaristo...
Religion ko...Roman Catholic...proud to be...!
religous kami ng family ko...
ang mama ko... ay social worker...talakera siya...lahat ng bagay may comment siya...at puro na lang masama...nega(negative or pessimistic) siya in short...lagi siyang galit sakin...paborito kasi si ate...mahilig siya sakin mangutang...sabi niya wag magpautang pag wala pang suweldo pero anak nya ako ay inuutangan nya... pag nagjojoke siya...may ibang ibig-sabihin...bad yung ibig nyang sabihin pero pinapalabsa nyang joke...tapos pag galit na kami...sasabihin nya na..."Joke lang kayo naman di na mabiro...kpag kayo naman nagjojoke..."...kapag nasa mall kami nakakaasar lgi na lang puro sarili nya...lagi nalang sa mga damit...! di naman nagsawa...at puro siya pintas sa mga taste ko...if i know...ayaw lang nyang bilhin kasi mahal...lagi pati siya napunta sa sale..hehe...para tipid...! saka lagi na lang nang-iiwan...luminga lang ako wala na sa paningin ko...pero ito masasabi ko...mabuti siyang ina...ayaw nya na nagmumukha akong tanga...love nya ako...may sama man ako ng loob sa kanya...love ko din siya...sinasamahan nya ako kapag nagpupuyat ako...tinatabihan kapag wala akong katabi at kung natatakot ako...kaya lang minsan ayaw ko talaga na may katabi...minsan naawa ako kay mama kasi sinasagot ko siya ng palaban...pero kahit ganun...hindi na lang siya sumasagot...pakiramdam ko ang sama ko...I love you mama...
ang papa ko...siya ay nakakatakot...pulis kasi...pero sa office yung job nya...palabiro naman siya...kahit ganun...corny mag joke pero pinagbibigyan ko na...kaya...tumatawa na din ako...OA siyang magalit..nakakatakot...tipid siya...at loving...haha...naaawa ako sa kanya kasi gamit nya puro luma...matiyaga siya...kaya lang kill joy siya...masyadong strict...pero...yung sinusuot ny paulit-ulit at saka...maunti lang damit nya...i feel bad about that...at saka pag nasa mall kami...lagi siyang nasunod lang...naiiwan...i feel bad for that...kaya kapag yumaman ako...ibibili ko si papa at mama ng madaming madami para magsawa si mama sa shopping...si papa ay parang driver din...i feel bad for that...kaya lang ang sasakyan namin tricycle lan at saka motor...magkakakotse din kami...haha...!I love you papa...
may kapatid ako...
Si Ate Kai...nickname lang nya yun...minsan hindi ko siya makasundo...
kinaaasaran ko sa kanya yung pakialamera... gastadora...at saka feeling nya ang galing nya...matalino naman talaga siya kaya lang mayabang....at saka minsan ang corny nya...eww...hehe...pakiramdam ko nga paborito sya ng mama at papa ko...kasi nga lamang sya sakin...mas maganda...mas mabait...mas matalino...mas recognized...mas maraming awards... mas talented...mas kasundo ng parents ko...kung baga...Mas sya kesa sakin...yun yun e...kaya siya ang El Paborita...kahit na sinasabi nila na wala silang paborito,,,alam ko na naman yun e...naasar din ako sa kanya minsan kapag makasarili siya...puro siya na nga...gusto pa nya...kanya lang...aba! katabi ko siya pagtulog...haha...sa ngayon 3 beses na siya naloko ng lalaki...una...yung nanligaw sa kanya...nakilala nya sa hospicio...yun pala...may gf na...ang lakas pa ng loob...pupunta pa sa bahay...hindi na natakot sa papa kong pulis at mama kong talakera...e may gf na...!hindi yun alam ng parents ko...yung pangalawa...yung lalaki naman pabading-bading...sabi ng ate ko feel naman nya na hindi gay...e pano ba yan...?feel ko gay e...nagkataon...gay nga...tama ang vibes ko...!hayun...pinagpalit siya sa lalaki...yung pangatlo naman...may gf na din...niloko lang si ate...lintik ang mga lalaki...manloloko at ang ate kong tanga...nagpapaloko...
gusto ko kay ate...love nya ako... lagi akong kasama sa pangarap nya...may care din naman siya sakin...lagi nya ako sinusuportahan at saka pag sweet siya...nakakatuwa...pag mag-bonding kami...sobra...pag magkasundo kami...sobra...pero pag away...away talaga... I love you ate...
Ako...heto na...yun na nga relihiyosa ako...pasikat din ako...kasi kulang nga sa pansin...medyo green minded ako...pano ba naman yung mga kaibigan ko...ganun...nadamay tuloy ako...madaldal din ako...reklamador...at saka ambisyosa...iyakin ako...minsan acting lang...para makuha ko yung gusto ko...haha...minsan makasarili ako...minsan manlalait...pero friendly ako...mabait din...mahilig sa pagkain...mahilig magluto...mahilig mag-picture...layas ako...gusto kong mapunta sa iba't ibang lugar...gusto kong yumaman...magtapos ng pag-aaral with a good course and degree in a good university or college...I want to travel...I'm a computer addict...Chocolate addict...Color Blue Addict...ewan ko ba madali akong magalit...maawa...tumawa...pakiusapan at mauto...hmph...
yun...basta madami pa...
wahaha...
Sunday, March 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment