"Anong gusto mo sa isang guy?"
"Anong klase ang gusto mong maging boyfriend?"
Ang tanong na yan ang tinatanong sakin ng mga kaibigan kong kiri...
at napaisip ako...
ano nga ba...?
ang sinasagot ko..."madami e..."
o sya...heto na...basahin mo kung naiintriga ka...
masyado akong demanding e...
simple lang naman ang gusto ko...sobrang simple...
Gusto ko mayaman...para kaya akong buhayin...may papakain sakin...at saka para pag may date...romantic...hindi ako titipidin...haha...gusto ko nga sana half chinese...para cute yung anak namin...singkit...mayaman pa kasi businessman...
Gusto ko matalino...proud ako sa ganun...
Gusto ko...Guwapo...!wahahaha...gusto ko kasi yung tipo na dadaan lang siya....kinikilig na ako...haha...ang landi ko...at saka para hindi malait ng mga manlalait kong kakilala at kamag-anak na iba...grabe...!
Gusto ko ako lang ang mahal na babae ano...gusto ko loyal...ayaw ko nga manloloko...
Gusto ko may sense of humor...para hindi boring...napapasaya nya ako...:D
Gusto ko walang bisyo..pag naninigarilyo mabaho...ewww...saka pag nagdrudrugs...naku...baka mabugbog ako nun...pag lasenggo...ayaw ko...magaya pa yun sa...
Gusto ko hindi ako kayang saktan physically and somehow emotionally...kasi hindi pwedeng hindi ako masaktan emotionally abnormal yun...ayaw ko maging battered wife...bad yun...~_~
Gusto ko sweet and caring...waaaah!I'd really want that...gusto ko yung gagawin lahat para sakin...hindi naman lahat na sobra-sobra...what I mean is yung love na love ako...pero ayaw ko nung OA...
Gusto ko hindi ako masasakal...
Gusto ko comfortable ako with him...
Gusto ko mapagkakatiwalaan ko siya...
Gusto ko nirerespeto ako at saka yung family ko at family nya...at friends...
Gusto ko gusto siya ng family ko at gusto ako ng family nya...
Gusto ko Roman Catholic...
Gusto ko yung hindi siya mawawalan ng time yung bang kahit na busy siya...he's still finding a way to spend time with me even just for a short while...
Gusto ko responsible...
Gusto ko mabait pero ayaw ko ng mabait na tanga na dahil sa sobrang bait...yung katamtamang bait lang...
Gusto ko yung maganda ako sa paningin nya...wahaha...
Gusto ko lalaking lalaki talaga...
Gusto ko may muscles pero ayaw ko nung sobra...katakot naman...ayaw ko ng sobrang taba at sobrang payat na lilipadin na ng hangin...okay na yung may abs tapos kahit konting muscles sa braso...
Gusto ko gentleman...
Gusto ko punctual...
Gusto ko honest...
Gusto ko hindi kuripot...
Gusto ko mabango at malinis sa katawan...
Gusto ko yung maalam magselos....gusto ko masarap magselos...ayaw ko nung OA na mambubugbog na o kaya lahat ng lalaki na lapitan mo ay asar na...gusto ko yung nakakakiliti siya magselos...wahaha...ang landi ko...
Gusto ko hindi tatanga-tanga at saka hindi naloloko agad at saka hindi agad natutukso...
Gusto ko walang lahing baliw o drug addict...hehe...
Gusto ko kaya akong ipagtanggol...
Gusto ko may wheels...as in car...
Gusto ko hindi siya selfish...
Gusto ko magaling pumorma at saka hindi mabaho ayaw ko nung may putok o pawisin...hehe...
Gusto ko may proper manners...hindi bastos...ayaw ko nung nangungulangot...ewww...~_~
Gusto ko hindi duwag...
Gusto ko maaasahan...
Gusto ko masipag...
Gusto ko maalam tumulong sa ibang tao...
Gusto ko maalam nung ibang gawaing bahay like mechanics...or maalam maghugas ng plato...magluto...! o kung anu-ano pa...
Gusto ko hindi magastos...
Gusto ko kasundo ko...
Gusto ko yung maalam mag-ayos ng nasira...haha...
Gusto ko naiintindihan ako...understanding ba...
NEGATIVES:
magulo ang buhok...
madaling magalit(pero napapaamo ko haha...)
ayaw ng pinag-iintay siya...hindi patient mag-intay...
malikot matulog^_^
mayabang ng konti...
hindi nagsisismba pero dahil sakin magsisismba na siya...waahaha...
hindi magaling sumayaw...
meron pa...basta hindi turn off^_^
meron pa ba...? siguro meron pa...hindi ko na mailagay sa dami...
pero I can say...
siguro ang ganitong lalaki ay...
EXTINCT na...mahirap nang makita...
well...I'm hoping to have one...and hoping to keep it forever...
sana makakuha ako nang ganyan...at hindi na makawala...wahahaha:))
bahala na si God...
I'll just trust God...
Sunday, March 15, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment